Thursday, April 14, 2016

04.14.16


Mahal mo ako
Bawat titik at tuldok
Isinulat mo nang 
Walang pag-aalinlangan


Ngunit ngayon
Ako'y nasasaktan
Sa tuwing dumadaan
Ang pulang panulat
Sa ating mga salita


Hindi nagtagal
Inaalis mo na rin
Ang mga talata
Ng mga pangako
At pangarap
Na ating binuo
Ano na lang
Ang matitira sa atin


Meron pa bang atin?


Sa manuskrito mo
Ako yung pahinang
Wala na sa libro
Isa na lamang akong
Papel na maraming guhit
Isang pagkakamali
Hindi dapat paglaanan
Ng papel at tinta


Photo source: https://www.pinterest.com/ladygramla/fading-away/